Ito ang mensaheng natanggap ni Gary Valenciano sa vision ng a" />
Ito ang mensaheng natanggap ni Gary Valenciano sa vision ng a"/>

Gary Valenciano shares touching story before ending his concert | PEP Hot Story

2024-12-21 4,774

"Gary, it's okay to stop."

Ito ang mensaheng natanggap ni Gary Valenciano sa vision ng aniya'y kanyang spiritual encounter sa Diyos noong 2008.

Ibinahagi niya ang kuwentong ito sa kanyang One More Time concert na ginanap sa Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi, December 20, 2024.

Ipinaliwanag ni Gary na hindi ibig sabihin ay ihihinto na niya ang kanyang musical career.

Bagamat aminado siyang posibleng huling malakihang concert na niya ang One More Time, maaari pa rin naman daw siyang gumawa ng smaller scale concerts.

Idiniin niya na patuloy siya sa paggamit ng talentong ibinigay sa kanya ng Panginoon na siyang daan upang makapagbigay ng inspiration at healing sa ibang tao.

At patuloy din daw siyang magtitiwala sa Panginoon kung anuman ang plano nito para sa kanya.

Pagkatapos ng mensahe niyang ito, kinanta ni Gary ang kanyang finale song na Take Me Out Of The Dark.

Hindi natapos ni Gary ang concert dahil mayroon siyang sakit.

Ilang beses daw siyang nagsuka bago nagsimula ang concert at muntik nang hindi tumuntong ng stage.

Ito ang dahilan kung bakit bahagyang na-delay ang concert na nagsimula ng 9:15 PM.

Pero hanggang sa huli ay pinilit niyang mag-perform para sa fans, lalo na raw sa mga nanggaling pa ng ibang bansa para lamang mapanood siya.

Ani Gary, pinili niyang kantahin ang mga kantang alam niyang titimo sa puso ng mga manonood.

Kabilang dito ang "Natutulog Ba Ang Diyos?" at "The Warrior is A Child."
Malugod itong tinanggap ng audience na sumigaw na naiintindihan nila ang sitwasyon ni Gary, at hindi isyu na napaiksi concert.

Natapos ang concert bandang 10:20PM.

#garyv #mrpureenergy #garyvalenciano

Video: Rachelle Siazon with clip courtesy of Tad Payomo
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Watch more videos at https://www.pep.ph/videos

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalertsViber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts